^

Police Metro

Quezon City fire: 90 pamilya nawalan ng tahanan

Joy Cantos - Pang-masa
Quezon City fire: 90 pamilya nawalan ng tahanan
Sa ulat ng Quezon City Fire Station, dakong alas-11:39 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa kahabaan ng 70 C, Area 5, Purok 2, Victory Ave., Brgy. Tatalon sa lungsod Quezon.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Umabot sa 90 pamil­ya ang nawalan ng ta­hanan makaraang lamu­nin ng nangangalit na apoy ang nasa 40 bahay sa Brgy. Tatalon, Quezon City nitong Sabado ng tanghali.

Sa ulat ng Quezon City Fire Station, dakong alas-11:39 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa kahabaan ng 70 C, Area 5, Purok 2, Victory Ave., Brgy. Tatalon sa lungsod Quezon.

Ayon sa imbestigasyon, ang sunog ay nagmula sa ikalawang palapag ng isang 3 storey na bahay na pag-aari ni Matina Erinco sa nasabing lugar.

Sinabi ni SFO1 Mary Anna Mostacisa, ang sunog ay mabilis na kumalat na tumupok sa kabuuang 40 kabahayan na karamihan ay gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Ang sunog ay uma­bot sa ikalawang alarma bandang alas-12:01 ng tanghali at idineklarang under control matapos na magresponde ang mga bumbero dakong alas-12:46 ng tanghali.

Naapula naman ng mga bumbero ang sunog kung saan sa inis­yal na pagtaya ay nasa P150,000.00 ang nilik­hang pinsala.

Wala namang naita­lang nasugatan at nasawi sa naturang insidente.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with