^

Police Metro

Tuloy ang PUV modernization – DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang isinusulong ng pamu­nuan ng Department of Transportation (DOTr) na Public Utility Vehicle Mo­dernization Program (PUVMP).

Ito ang sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade, at hindi totoo ang naglabasang ulat na hindi na nila itutuloy ang planong phase out sa lahat ng 170,000 units ng PUVs, matapos ang isinagawang delibe­rasyon sa Senado kaugnay sa kanilang panukalang P147 bilyong budget.

Ayon kay Tugade, ang sinabi umano nila sa Senado kamakalawa ay ikinukonsidera nilang “hindi otomatikong i-phase out” ang mga public uti­lity jeepney (PUJ) units ng mga operators na hindi pa nakakapag-modernize at pansamantala ay papa­yagan muna silang bumiyahe kung papasa sila sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Kung pumasa man umano ang mga ito sa MVIS, pagkakalooban sila ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ng Provisional Authority (PA) na balido para sa isang taon lamang at kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa road worthiness check sa pamamagitan ng MVIS kada taon. 

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with