^

Police Metro

Dalaga na-gang rape ng lima

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na dalaga ang nasira ang kinabukasan matapos na siya ay gahasain ng limang kalalakihan na kanyang naging kainuman naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Caingin, Meycauyan City, Bulacan.

Kinilala ang limang naarestong rapist na sina Renz Justin Pineda, 19; Jan Fulgencio, 18; Marvin Tulgencio, 20; Joven Osias, 19; at isang 16-anyos na hindi pinangalanan.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Glenda niyaya umano siya ng limang suspek na makipag-inuman dahil isa dito ang may kaarawan.

Dahil mga kakilala ay nagtiwala ang biktima na makipag-inuman hanggang sa ito ay malasing at hiniling nito sa mga suspek na siya ay ihatid sa kanyang bahay.

Sa halip ihatid ng limang suspek ang biktima sa kanyang bahay ay dinala ito sa isang abandonadong bodega at doon ay halinhinang ginahasa, alas-11:00 ng gabi.

Nagawang makatakas ng biktima habang natutulog ang mga suspek at agad na nagsumbong sa mga pulis kung kaya agad na naaresto ang mga suspek.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with