^

Police Metro

7 Chinese timbog sa bigong kidnapping

Doris Franche - Pang-masa
7 Chinese timbog sa bigong kidnapping
Agad na dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga suspek na sina Fen Xiu TIan, 24 ; Kang Xin Hang, 30; Li Dong, 22; Yao Shu 22; Li You Bang, 28; Li Binf, 20; at Chan Dang, 28; pawang mga Chinese national at mga residente ng 20th Flr Medical Plaza na matatagpuan sa Amorsolo St., corner Dela Rosa St., Legazpi Village, Makati City.
File

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng pitong Chinese na nagtangkang dukutin ang mag-asawang Chinese-Taiwanese national kamakalawa ng gabi sa labas ng Sun Star Grand Hotel, sa Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Agad na dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga suspek na sina Fen  Xiu  TIan, 24 ; Kang Xin  Hang, 30;  Li Dong, 22; Yao  Shu 22; Li You Bang, 28; Li Binf, 20; at Chan  Dang, 28; pawang mga Chinese national at mga residente ng 20th Flr Medical Plaza na matatagpuan sa Amorsolo St., corner Dela Rosa St., Legazpi Village, Makati City.

Sa imbestigasyon, alas-6:20 ng gabi nang maganap ang tangkang pagdukot sa mga biktimang sina  Xu Jun, 30, Chinese national; at misis nitong Taiwanese national na si Chloe Yuan, 35 taong gulang.

Nabatid na nakatakda umano ang mag-asawa na mag check-in sa nabanggit na hotel pero fully booked.

Sanhi nito, inatasan nila ang isang empleyado ng hotel na magpa-book sa Grab para ihatid na lamang sila sa Eurotel Las Piñas City.

Nang dumating ang sasakyan ay mabilis silang sumakay pero kinaladkad sila ng mga suspek patungo sa loob ng nakaabang na Toyota Hi-ace Grandia na kulay silver at may conduction sticker na P4W167.

Nakita ng ilang testigo ang nangyaring komos­yon at kaagad na naitawag sa Plaza Miranda PCP na kaagad na nakapag responde kaya naaresto ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

vuukle comment

ARRESTED

CHINESE

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with