^

Police Metro

Kelot, bebot sinalvage

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki at isang babae ang pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa gilid ng highway na sakop ng Sitio Guitong, Barangay Sipa, Padre Burgos, Quezon.

Walang natagpuan na anumang ID o mapagkakakilanlan sa lalaki na tinatayang nasa pagitan ng 25-30, nakasuot ng itim na t-shirt, kulay asul na short pants at havaianas na tsinelas.

Habang ang babae ay tinatayang nasa pagitan ng 20-25 ang edad, nakasuot ng kulay puting t-shirt na may stripe na asul, pulang tsinelas at may maliit na tattoo sa kaliwang bahagi ng binti.

Ang dalawa ay kapwa may tama ng mga bala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng pulisya, noong gabi ng Sabado ay nakarinig ng mga sunud- sunod na putok ng baril ang mga residente mula sa lugar na kinatagpuan sa mga bangkay ng mga biktima.

Natagpuan sa crime scene ang isang shoulder bag na may lamang dalawang cellphone, panty at brief at isang short na maong.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with