Senators hinamon si Robredo na tanggapin ang alok na maging drug czar
MANILA, Philippines — Ilang senators sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto ang humamon kay VP Leni Robredo na tanggapin na nito ang alok ni Pangulong Duterte na maging co-chairperson Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Sotto, dapat tanggapin ni Robredo ang posisyon upang malaman nito kung gaano kalaki ang problema laban sa ilegal na droga.
Maging si Senator Christopher “Bong” Go ay nagbigay din ng hamon kay Robredo na subukan ang posisyon na iniaalok ng Pangulo.
Naniniwala si Go na makikita kung makakatulong si Robredo sa problema ng ilegal na droga kapag tinanggap niya ang bagong posisyon.
“Tingnan natin kung makakatulong ka pa. Hinahamon po kita. Malay mo baka may alam siya. Baka magtagumpay,” sabi ni Go.
Maging si Senator Sherwin Gatchalian at naniniwala na hindi dapat tumanggi si Robredo sa “drug czar challenge.”
- Latest