Opisina ng POGO, kinandado ng BIR
MANILA, Philippines — Napilitang ikandado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga tanggapan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil sa hindi pagrerehistro at hindi pagpa-file ng value-added tax (VAT) returns sa ahensiya.
Isa ang head office ng Altech Innovations Business Outsourcing sa Aseana City, Parañaque at branch nito sa Double Dragon Building sa Pasay City ang naipasara.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Group Arnel Guballa, may P100 milyon ang utang sa buwis ng Altech Innovations .
Anya,ang naturang kumpanya ay lumabag sa Section 108 at Section 236 ng National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa hindi pagrerehistro at di pagbabayad ng VAT returns.
Ang Altech Innovations ay pagmamay-ari ng isang Jan Erick Lavariaz Altavas at mayroong mga tauhan na 700 hanggang 1,000 empleyado na karamihan ay Chinese.
- Latest