^

Police Metro

PNP unit na nag-iimbestiga sa rogue cops nais humiwalay

Joy Cantos - Pang-masa
PNP unit na nag-iimbestiga sa rogue cops nais humiwalay
Ayon kay Atty. Alfegar Triambulo, director ng Internal Affairs Service na kinanatakutan sa ibang bansa ang kanilang counterparts ng mga pasaway na pulis dahil sa pagiging hiwalay nito sa police organization.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nais ng isang unit sa Philippine National Police (PNP) na nag-iim­bestiga sa kapwa kabaro na sangkot sa mga illegal activities tulad ng pagre-recycle ng droga ay nagnanais na maging indipediyente o humiwalay mula sa PNP.

Ayon kay Atty. Alfegar Triambulo, director ng Internal Affairs Service (IAS) na kinanatakutan sa ibang bansa ang kanilang counterparts ng mga pasaway na pulis dahil sa pagiging hiwalay nito sa police organization.

Anya, walang kapang­yarihan ang IAS na bigyan ng proteksiyon ang mga saksi laban sa mga korap na pulis dahil tanging hinahawakan nila ay administrative cases at hindi criminal complaints.

“Actually ’yun din ’yung aming nila-lobby sa ating mga mambabatas kasi sa aming pag-aaral sa mga internal affairs sa ibang bansa talagang independent sila”, pahayag ni Triambulo.

Binigyang diin nito na kung hihiwalay sila sa PNP ay mas magi­ging malakas ang kanilang kapangyarihan at ma­ging ang Chief PNP ay kaya nilang irekomendang tanggalin sa puwesto kung may isyu ng mga katiwalian.

Si dating PNP Chief Director General Oscar Albayalde ay nalagay sa kontrobersya sa imbestigasyon ng Senado matapos namang palutangin muli ang isyu ng 13 ninja cops sa pangunguna ni Police Colonel Rodney Baloyo na nasangkot sa kuwestiyonableng drug raid sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013 kung saan ang una ay dating Pampanga Provincial Police Office (PPO) Director.

Sa pag-upo ni Alba­yalde ay dumaraan pa umano  sa pagrerebisa ng tanggapan ng Disciplinary Law and Order Division (DLOD) ng PNP-Directorate and Record Management ang mga rekomendasyon ng IAS laban sa mga nilitis na rogue cops.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with