^

Police Metro

Palaboy dedbol sa pagtalon sa riles ng MRT-3

Danilo Garcia - Pang-masa
Palaboy dedbol sa pagtalon sa riles ng MRT-3
Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon nang tumalon ang biktima buhat sa itaas ng southbound lane ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia Avenue Stations na may taas na 20 talampakan.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Patay ang isang la­laki matapos na tumalon sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Makati City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Mas Sandamon, 21, residente ng Marang Sumisip, Basilan na ayon sa pamunuan ng MRT-3, ay isa itong palaboy sa kalye.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon nang tumalon ang biktima buhat sa itaas ng southbound lane ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia Avenue Stations na may taas na 20 talampakan. 

Makikita sa litrato ng MRT-3 management na diretsong nakahiga ang biktima sa riles ng tren.

Inaalam pa ng Makati police ang background ni Sandamon, na kaagad na binawian ng buhay dahil sa natamo nitong mga head injuries kasunod ng insidente.

Napilitan naman ang MRT-3 na limitahan ang kanilang operasyon mula North Avenue hanggang Shaw Blvd. station at naibalik sa normal pagsapit ng alas-2:47 ng hapon.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with