^

Police Metro

Malacañang kay Leni: Tumulong sa problema sa trapiko

Rudy Andal - Pang-masa
Malacañang kay Leni: Tumulong sa problema sa trapiko
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas mabuting tumulong na lamang sa gobyerno si VP Leni at magsumite ng panukala upang malunasan ang problema sa trapiko kaysa punahin ang Duterte government.
File

MANILA, Philippines — Sa halip na maghamon ng commute challenge sa mga opisyal ng gobyerno ay hinamon kahapon ng Malacañang si Vice-President Leni Robredo at miyembro ng oposisyon na tumulong na lamang sa gobyerno na maghanap ng solusyon para mabigyan ng solusyon ang trapiko.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas mabuting tumulong na lamang sa gobyerno si VP Leni at magsumite ng panukala upang malunasan ang problema sa trapiko kaysa punahin ang Duterte government.

“Tama na ‘yang kri­tisismo. Ang gawin niyo na lang, ‘yung mga mahilig maghamon eh magbigay kayo ng mga mungkahi kung papaano kayo makakatulong sa pamahalaan, mga magagandang proposal gaya ni VP Leni,” wika pa ni Panelo sa media briefing sa Malacañang.

Aniya, ang pagiging kritiko ng administrasyon ay hindi makakatulong upang mahanapan ng solusyon ang problema sa trapiko sa Metro Manila. 

Magugunitang binatikos ni Robredo si Panelo dahil sa pagtanggi umano ng tagapagsalita ng Pa­ngulo na amining mayroong transport crisis.

Inamin naman ni Pa­nelo matapos tanggapin ang commute challenge sa kanya noong Biyernes na mayroong traffic crisis sa Metro Manila pero walang transport crisis.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with