^

Police Metro

Pagpatay sa vice mayor, ‘wag pulitikahin - Sandra Cam

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — ‘Huwag n’yong isentro sa pulitika ang im­bestigasyon sa pagpatay kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson, III’.

Ito ang apela ni  Phi­lippine Charity Sweepstake Office (PCSO) Director Sandra Cam sa Manila Police District (MPD) kasabay ng pahayag na mas ma­kabubuti umano kung magpunta ang mga imbestigador sa Batuan para makilala ang pamil­ya Yuson at posibleng makakakuha sila ng lead sa lugar.

Sinabi ni Cam na base sa nakuha niyang impormasyon, marami umano sa Batuan ang nawalan ng trabaho dahil gustong makopo ng pamilya Yuson ang transportasyon kaya tinanggal ang habal-habal.

Nalaman na may apat na barko ng RoRo ang pamilya ng nasawi at may mga negosyo kaya dapat na mas laliman pa ng MPD ang imbestigasyon para matukoy ang nasa likod ng krimen.

Una nang sinabi ni MPD Director Vicente Danao Jr., na lahat ng anggulo sa pagpaslang kay Yuson ay iimbestigahan, bukod sa pulitika, iligal na droga, negosyo o kaya ay personal na galit.

Tiniyak naman ni Lalaine, misis ni Yuson na nakahanda siyang harapin ang kasong libelo na posiblebg isampa laban sa kanya.

Kamakalawa ay ipri­nisinta ng Manila Police ang apat na suspek sa pagpaslang kay Yuson na kinilalang sina Bradford Solis, 41; Juanito de Luna, 54; Junel Gomez, 38 at Rigor dela Cruz, 38.

Tiniyak ni Danao kay Lalaine, asawa ng biktima na 101% na ang mga iprinisintang suspek na siyang pumatay sa kanyang mister.

Hindi naman sinabi ni Danao kung ang mga naarestong suspek ay konektado kay PCSO Director Sandra Cam.

vuukle comment

CHARLIE YUSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with