^

Police Metro

Lalaki sinalvage sa QC

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakagapos ang paa’t kamay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Inilarawan ng mga otoridad ang biktima na nasa pagitan ng edad 30-35, kayumanggi, may taas na 5’6 katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng short pants, sando na kulay pula at maraming tattoo sa katawan.

Sa report ng pulisya, alas-6:00 ng umaga nang nakatanggap sila ng ulat na nakitang lalaki na nakahandusay sa gilid ng 7th Street kanto ng Gilmore, Brgy. Manreza, New Manila, Quezon City.

Nakita ang lalaki na nakatali ang kamay at paa, pasa mga ang katawan na hinihinalang pinahirapan muna bago pinatay sa sakal.

Walang residente ang nakakakilala sa biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang doon para iligaw ang mga otoridad sa imbestigasyon.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with