^

Police Metro

3 amasona naaresto

Joy Cantos, Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong amasona na kinabibilangan ng dalawang matataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) re­bels na nahaharap sa patung-patong na kaso ng pagpatay ang nasakote ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Brig. Gen. Mario Espino ang mga matataas na opisyal ng kilusan na sina Delilah Padilla alyas “Delay”, “Dilay”, staff member ng Southern Front, Komiteng Rehiyon, Cagayan Valley (KR-CV); Violeta Ricardo, 54 alias “Isay” lider ng northern Luzon Front na may patong sa ulo na P2.4 milyon; at Cristina Garcia, 60 alias “Senyang”

Sina Ricardo at Garcia ay may 5 warrant of arrest sa ibat-ibang kaso ng pagpatay at sinasabing kasangkot sa 2013 masaker ng walong Special Action Force (SAF) at pagpatay sa isang konsehal sa bayan ng Allacapan kabilang na ang pagsunog sa tatlong heavy equipment ng isang construction company ng isang pampublikong proyekto sa bayan ng Baggao noong 2018.

Si Padilla naman ay nahahanay sa top most wanted at may dalawang kaso ng murder at may patong na P700,000.00 sa kanyang ulo ay nadakip din ng pinagsanib na pwersa ng pulisya, CIDG at Philippine Army sa Barangay Leonarda, Tuguegarao City kamakalawa rin ng umaga.

vuukle comment

NEW PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with