^

Police Metro

2 seniors nasagasaan sa pagtawid

Mer Layson - Philstar.com

MANILA, Philippines — Kapwa hindi na ­umabot ng buhay sa ospital ang dalawang matandang lalaki nang sila ay masagasaan ng dalawang pampasaherong jeep habang magkasabay na tumatawid sa national road sa Cardona, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Roland Julian, 62, at Eulogio Estrella, 61, kapwa residente ng ID Julian Street, Barangay San Roque, Cardona.

Arestado at kapwa nakapiit na ang mga driver na sina Edgar Sa­ligumba, 23, ng 1353 Hinayon Street, Barangay Calumpang at Jan Miggs Tabadero, 22, ng Anore Street, Barangay Mambog, Binangonan, Rizal na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat, alas-7:10 ng gabi ay kapwa tumatawid ang dalawang matanda sa national road na matatagpuan sa Barangay San Roque nang magkasunod silang mabangga.

vuukle comment

MASAGASAAN NG DALAWANG PAMPASAHERONG JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with