^

Police Metro

4 pulis-Las Piñas naaktuhang lumalaklak, sibak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na pasaway na pulis ang agad na sinibak sa puwesto makaraang mahuli sa akto ng hepe ng PNP-Internal Affairs Service na umiinom ng alak habang nasa duty sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nahuling pulis na sina PCpl. Randy Danao, Patrolmans Samruss Inoc, Robemarla Abales at Alquinn Orgen, pawang mga nakatalaga sa Las Piñas City Police.

Nabatid na nagsasagawa ng ‘proactive surprise inspection’ ang National Capital Regional Police Office- Regional Internal Affairs Service sa pangunguna mismo ni PBGen Jerry Galvan dakong alas-2:00 ng hapon nang matiyempuhan ang isang police checkpoint sa isang gasolinahan sa may Alabang Zapote Road sa Brgy. Talon, ng naturang lungsod.

Dito nahuli sa akto ni Galvan ang apat na pulis na nasa kasarapan sa pagpapalitan ng tagay ng brandy dahilan para kumprontahin sila ng heneral.

Nang malaman ito ni Southern Police District Director, PBGen Nolasco Bathan, agad niyang ipinag-utos ang pag-relieve sa apat na pulis at ipatapon sa District Headquarters Support Unit kung saan nasa ‘floating status’ sila.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with