^

Police Metro

Magkapatid na paslit nalunod sa dagat

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa natagpuang patay at palutang-lutang sa karagatan ang magka­patid na paslit matapos na tangayin ng malalaking alon at nalunod sa kanilang paliligo sa dagat na sakop ng Brgy.Tambongon sa bayan ng Viga, Catanduanes kamakalawa.

Nakuha dakong alas-12:30 ng tanghali ang bangkay ni Mark Justin Orcilada, 9; at bandang alas-8:00 ng gabi naman natagpuan ang bangkay ng nakatatandang kapatid na si Ysha Jane Orcilada, 11, pawang residente ng Brgy.San Vicente.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay nagpunta sa dagat ang pa­milya ng magkapatid para maligo para sa kanilang “family outing.”

Gayunman, makalipas ang mahigit isang oras ay tumatakbong umahon at nagsumbong ang pinsang si Jomar na tinangay nang malakas na agos ang magkapatid.

Humingi nang saklolo ang mga magulang sa mga opisyal ng barangay na agad lumusong para hanapin ang magkapatid pero umabot ng ilang oras bago isa-isang natagpuang patay ang magkapatid.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with