^

Police Metro

Bato kay Cong. Zarate: Anong klaseng magulang ka?

Malou Escudero - Pang-masa
Bato kay Cong. Zarate: Anong klaseng magulang ka?
Ayon pa kay Dela Rosa, kung responsable rin mambabatas si Zarate, dapat ay dinala mismo nito ang anak sa kanyang ina at bata ang magdedesisyon kung ayaw na niya.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi umano naawa si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kay Ginang Relissa Lucena, ang ina ng 18-anyos na si Alicia Lucena na sumama sa makakaliwang grupo.

Bagaman ay hindi tahasang sinabi ay ipinahiwatig kahapon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na iresponsable at walang kuwentang magulang si Zarate dahil kung responsable ito ay dapat ay tinulungan nito na makabalik ang anak sa kanyang ina na nagmakaawa at umiyak sa pagdinig sa Senado.

“If they are responsible enough, I tell you Cong. Zarate, if you are responsible parent, alam mo umiiyak yung mo­ther, hindi ka ba naawa sa mother, tinulungan mo na sana, inihatid mo ang bata sa nanay, anong klaseng parent ka?” ani Dela Rosa.

Idinagdag ni Dela Rosa na nakita naman ni Zarate (sa telebisyon) na naghihirap ang ina ni Alicia na iniharap pa niya sa isang press conference sa loob ng House of Representatives.

“Nakikita mo hirap ng nanay, tapos ikaw presscon-presscon mo pa ang isang bata sa loob ng Congress pa. Presscon mo ang isang bata na as far the parent is concern is missing dahil ’di n’ya nakikita,” sabi ni Dela Rosa.

Ayon pa kay Dela Rosa, kung responsable rin mambabatas si Zarate, dapat ay dinala mismo nito ang anak sa kanyang ina at bata ang magdedesisyon kung ayaw na niya.

Ipinaalala pa ni Dela Rosa na kapwa siya ama ni Zarate at dapat ay pinapaalalahanan ang mga bata.

vuukle comment

CARLOS ZARATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with