^

Police Metro

P51-M shabu nalambat sa dagat

Gemma Garcia - Pang-masa
P51-M shabu nalambat sa dagat
Ayon kay Carlos, ito umano ang kauna-una­hang insidente na may nakuhang ilegal na droga sa kanilang lugar.

MANILA, Philippines — Dalawang mangi­ngisda ang nakalambat ng nasa P51-milyon halaga ng hinihinalang shabu sa baybayin ng Sitio Pagul Brgy Pio del Pilar,  North Samar noong Sabado ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni Police B/Gen. Dionardo Carlos, Regional Director ng Police Region Office (PRO) 8, dakong alas-2:35 kamakalawa nang matagpuan ng dalawang mangingisda na residente ng Brgy Pio del Pilar, Biri N. Samar ang mga ilegal na droga na nakalagay sa tatlong plastic bag na tumitimbang ng 2 kilo kada isang plastic habang isang bukas na transpa­rent plastic bag naman ay may timbang na 1.5 kilos na may kabuuang market value na P51-milyon.

Ayon kay Carlos, ito umano ang kauna-una­hang insidente na may nakuhang ilegal na droga sa kanilang lugar.

Patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung saan nagmula ang mga naturang droga.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with