^

Police Metro

3 timbog sa P3.4-M shabu sa CCP

Danilo Garcia - Pang-masa
3 timbog sa P3.4-M shabu sa CCP
Sa ulat, ala-1:45 ng ma­­daling araw nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation sa parking area ng Harbor Square na nasa tapat ng CCP Complex.
File

MANILA, Philippines — Tatlong big time drug pushers ang naaresto ng mga otoridad sa buy-bust operation sa parking area malapit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Graciano Rombo, 34, ng Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite; Roderick Pisig, 35, ng Upper Bicutan, Taguig at si Alican Paga­yaw, 31, ng Maharlika Street, Taguig City at nasamsam sa kanila ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat, ala-1:45 ng ma­­daling araw nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation sa parking area ng Harbor Square na nasa tapat ng CCP Complex. 

Isang miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ang umaktong poseur buyer at nagawang makabili sa mga suspek ng tinatayang 200 gramo ng shabu na nakalagay sa isang plastic ice pack na may halagang P250,000.

Dito na nagbigay ng senyas ang poseur buyer at sumulpot ang mga nakaantabay na mga pulis at palibutan ang mga suspek.  

Nasa kabuuang 500 gramo ng shabu na nakalagay sa limang plastic ice bag na may halagang P3,400,000 ang nakum-piska sa mga suspek ng mga pulis kasama pa ang boodle marked money na aabot sa P250,000; dalawang cellular phones at isang Toyota Fortuner na gamit nila sa operasyon.
Modus-operandi ng sindikato na ibagsak ang iligal na droga sa mga tulak na karamihan ay mga tenant ng mga condominiums sa Metro Manila dahil sa mas mataas ang proteksyon nito sa ipinatutupad na security measures.

Nagmula umano ang suplay na shabu sa isang lugar sa lalawigan ng Ca­vite at may sentro ng ope­rasyon ang mga suspek sa Katimugang bahagi ng Metro Manila.

vuukle comment

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with