^

Police Metro

P5K cash reward vs bandalismo sa Marikina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahandang magbigay ang Marikina City government ng P5,000 cash reward sa sinumang makapagbibigay ng photo or video laban sa mga taong sangkot sa bandalismo sa lungsod.

Ito ang sinabi ni City Administrator Adrian Salvador, at gagamitin nila ang mga naturang larawan at video upang hulihin at kasuhan ang sinumang magba-vandalize sa lungsod.

Layunin nang pagbibigay nila ng reward na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa vandalism.

Nabatid na ang mga mahuhuling lumalabag sa Ordinance No. 017 ng lungsod na nagbabawal sa bandalismo ay mahaharap sa P3,000 multa, 40 oras o limang araw na community service at pagbabayad para sa gastusin sa restorasyon ng sinira nilang ari-arian, sa unang paglabag.

Ang ikalawang paglabag naman ay may katumbas na P4,000 multa, 80 oras o 10-araw na community service, at bayad para sa gastusin sa restorasyon ng sinira nilang ari-arian habang P5, 000 namang multa, pagkabilanggo ng mula 30-araw hanggang 6-buwan, at bayad para sa gastusin sa restorasyon ng sinira nilang ari-arian ang parusa para sa 3rd offense.

vuukle comment

BANDALISMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with