^

Police Metro

Emergency powers ni Duterte muling isinulong

Malou Escudero - Pang-masa
Emergency powers ni Duterte muling isinulong
Sa Senate Bill 213, ipinunto ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, ang trapiko at congestion crisis sa Metro Manila pa lamang ay nagiging sanhi sa pagkawala ng nasa P3.5 bilyon araw-araw.
Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Muling isinulong sa 18th Congress ang panukalang batas na naglala-yong bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang emergency po-wers ang pinaniniwalaang reresolba sa traffic crisis sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sa Senate Bill 213, ipinunto ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, ang trapiko at congestion crisis sa Metro Manila pa lamang ay nagiging sanhi sa pagkawala ng nasa P3.5 bilyon araw-araw.

Isinusulong din sa panukala ang pagdedeklara ng national emergency upang maging daan sa pagbibigay ng emergency power sa Pangulo.

Ang panukala ay ilili-mita sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, Davao City, Cagayan de Oro City at iba pang “highly urba­nized cities.” Ilalagay naman sa national emergen-cy ang land, air at sea traffic.

Ililimita rin ang emergency powers ng Pangulo sa pagresolba ng trapiko at congestion crisis.

Sa ilalim ng panukala, ang Secretary of Transportation ang itatalagang de officio Traffic Crisis Czar na magiging alter ego ng Pangulo sa buong panahon na umiiral ang emergency powers. 

Sinabi ni Tugade na pipilitin niyang maipaliwanag sa mga senador ang kahalagahan ng panukala upang mapadali na rin ang pagpapasa nito.

Nakasaad din sa panukala na magkakaroon nang pagbabago sa oras ng pagpasok sa mga opisina o kumpanya at liliwanagin ang papel ng local govern­ment units.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with