Walang Metro Manila mayors na sangkot sa illegal drugs
MANILA, Philippines — Walang alkalde sa Metro Manila ang sangkot sa illegal drug trade.
Ito ang tahasang sinabi ni National Capital Regional Police chief Police Major General Guillermo Eleazar sa Kapihan sa Manila Bay, subalit patuloy na minomonitor ng pulisya ang mga lokal na ehekutibo.
Sinabi rin ni Eleazar na wala pang mayor, bago man o hindi, ang humiling na magpatanggal o magpapalit ng kani-kanilang hepe ng pulis.
Kabilang sa mga bagong alkalde ay sina Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng Maynila; Vico Sotto ng Pasig at Francis Zamora ng San Juan na tumalo sa political dynasty sa kani-kanilang mga lugar. -
- Latest