Free internet at malinis na pasilidad sa transport terminal, batas na
MANILA, Philippines — Isa nang ganap na batas ang free internet service at malinis na pasilidad sa lahat ng transport terminal sa buong bansa matapos na ito ay lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inilabas kahapon ng Malacañang ang kopya ng nilagdaang Republic Act 11311 ng Pangulo noong Abril 17 at dito ay nakasaad na inaatasan ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology sa coordination ng Department of Transportation at iba pang ahensiya upang ipatupad ito sa lahat ng transport terminals sa bansa.
Nakasaad din sa batas na dapat may hiwalay na lactation stations para sa breastfeeding mothers na libre dapat itong magamit ng mga pasahero.
May nakatakdang kaukulang multa para sa mga transport terminal operators na hindi susunod sa bagong batas.
- Latest