2 sakay ng motor patay sa bangga
MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi matapos na masalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang dump truck sa Antipolo City, Rizal, kahapon ng madaling araw.
Ang dalawang biktima na namatay noon din ay nakilalang sina Vladimir Galvez at angkas nitong si Ryan Haropohop.
Agad namang naaresto ang driver ng dump truck na si Charlie Pating.
Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw ay minamaneho ni Galvez ang Sky Go motorcycle angkas si Haropohop at binabaybay ang kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Cabading, Brgy. San Jose patungo sana sa Bosoboso.
Pagsapit ng motorsiklo sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nasalubong nito ang dump truck ni Pating at nasalpok ito.
Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawang biktima na kapwa nalagutan ng hininga.
- Latest