^

Police Metro

70 huli sa SACLEO sa Pasay

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
70 huli sa SACLEO sa Pasay
Sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police nasa 14 na lalaki ay natimbog dahil sa droga.
File

MANILA, Philippines — Himas-rehas na nga­yon ang nasa 70 indibidwal na sangkot sa ibat-ibang paglabag sa batas sa magdamagang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Pasay City.

Sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police nasa 14 na lalaki ay natimbog dahil sa droga.

Apat sa kanila ay na­aresto sa bisa ng search warrant sa Buendia Ave­nue dakong alas-9:00 ng gabi.

Nasa 6 naman ang nahuli sa anti-smoking kabilang ang tatlong Chinese, 21 naman na lalaki ang pinagdadakma sa mga lansangan na walang mga suot pang-itaas, 3 sa carnapping, 5 barkers at isang nahulihan ng patalim.

Nakumpiska rin ang ilang gramo ng shabu at patalim mula sa mga suspect Ayon kay Yang ang ikinasang Sacleo ay bunsod nang kanilang natatanggap na impormasyon o sumbong ng mga residente sa pamamagitan ng text massages.

Kamakalawa ng alas-8:00 ng gabi hanggang kinabukasan ng alas-5:00 ng umaga ang isinaga­wang operasyon.

vuukle comment

SIMULTANEOUS ANTI-CRIMINALITY AND LAW ENFORCEMENT OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with