^

Police Metro

Ginang tinodas ni mister

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Ginang tinodas ni mister
Sa ulat ni P/Major Bernie Faldas, T’boli acting Chief of Police na bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng umaga ay pinakiusapan ng suspek ang misis na tulungan siyang kausapin ang anak nito sa unang asawa na iatras ang kaso laban sa kanya.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 55-anyos na si Emma Segudo, matapos na siya ay barilin ng kanyang mister sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Datal Bob, T’boli, South Cotabato noong Miyerkules ng umaga.

Tumakas ang mister nitong si Freddie Segudo, 47, magsasaka.

Sa ulat ni P/Major Bernie Faldas, T’boli acting Chief of Police na bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng umaga ay pinakiusapan ng suspek ang misis na tulungan siyang kausapin ang anak nito sa unang asawa na iatras ang kaso laban sa kanya.

Subalit, hindi umano pumayag ang biktima na naging dahilan upang magalit ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bunutin ang dalang baril at pinagbabaril ang una sa ulo at katawan na kaagad nitong ikinamatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with