^

Police Metro

5 mag-utol nalunod

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
5 mag-utol nalunod
Sa ulat ng Tarlac Po­lice, bandang alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang mga nakalutang na bangkay ng magkakapatid sa hukay na napuno ng tubig ulan.
File

MANILA, Philippines — Limang magka­kapatid ang nasawi sa magkahiwalay na insidente nang pagkalunod sa Capas, Tarlac at Alabel, Sarangani, kamakalawa.

Sa Capas,Tarlac nasawi ang tatlong magkakapatid na sina Richel, 7 at Raymar Bruno, 9, at Eunice Gutierrez, 10, pawang mga residente ng Barangay Cutcut ng nabanggit na bayan.

Sa ulat ng Tarlac Po­lice, bandang alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang mga nakalutang na bangkay ng magkakapatid sa hukay na napuno ng tubig ulan.

Sa imbestigasyon, na­kita pa ng ilang mga kabataan na napadaan sa lugar ang magkaka­patid na nagkatuwaang maligo sa tubig ulan sa isang malalim at malawak na hukay na napuno ng tubig ulan na bahagi ng proyekto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Isang Jelvin Umali ang napadaan sa lugar at nakita ang nakalutang at wala ng buhay na mga bata kaya agad niya itong ini-report sa mga otoridad.

Patay din ang mag-utol na sina Melvin, 21 at Ruel Pacure Jr., 19 matapos na sila ay malunod habang sinasagip ang pinsan na nalulunod sa isang beach resort sa Barangay Kawas, Alabel, Sarangani, kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon.

Sa salaysay ng ina ng magkapatid na si Minerva, pauwi na ang kanyang dalawang anak nang humabol para maligo sa beach dahil sa kaarawan ng isa nilang pinsan.

Habang masayang naliligo ay bigla na lang nilang narinig na humi­ngi ng tulong ang isa nilang pinsan na nalulunod kaya’t sinubukan umanong sagipin ng magkapatid, pero pinulikat si Ruel at nahirapang lumangoy kaya’t nang sagipin ni Melvin ang kapatid ay nalunod naman ito habang si Ruel ay inanod naman ng alon at nawala. Habang nasagip ang dalawang pinsan ng magkapatid.

vuukle comment

BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with