^

Police Metro

Misuari, isip bata - AFP

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil umano sa pagbabanta ng giyera ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kapag hindi natuloy ang federalism ay tinawag na Armed Forces of the Philippines (AFP) na isip bata ito.

Ayon kay AFP spokesman, Col. Noel Detoyato, kung titingnan ang pag-iisip ni Misuari ay parang isip bata na kung hindi makuha ang gusto ay magta-tantrums at kung hindi makuha ang gusto ay makikipaggiyera na lang.

Dapat anya linawin ni Misuari kung kanino siya nagbabanta ng giyera at kung sino ang kaaway niya kung ito ba ay ang AFP, taga Basilan, o taga Jolo.

Para sa opisyal dapat pag-isipan ng maraming beses ni Misuari ang pagbabanta dahil hindi lang gobyerno ang makakalaban niya kundi pati ang mga bomoto para sa kapayapaan.

Idinagdag pa ni Detoyato na dapat din mag-isip isip ni Misuari sa kanyang mga pahayag kung nais niyang maging bahagi sa usaping pangkapayapaan.

vuukle comment

MISUARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with