Bus firms na ‘di tatalima sa fixed salary parurusahan
MANILA, Philippines — Posibleng patawan ng parusa ang mga bus companies na hindi magpapatupad ng fiex salary sa kanilang mga empleyadong drivers at konduktor.
Ito ang ipinalabas na babala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa harap ng pagpapatupad ng batas sa nagtatapos sa boundary o commission system sa mga bus drivers at konduktor.
Anya, simula sa Marso 9 ay maituturing nang mga regular na empleyado ang mga bus drivers at konduktor na ang ibig sabihin ay ibabatay na sa minimum wage at probisyon sa overtime ang pag-kuwenta ng kanilang sahod.
Wala namang binanggit na kaparusahan ang DOLE bagamat sinabi ni Bello na mas dapat na sumunod ang mga bus company at nakapaloob rin dito ang security of tenure.
- Latest