Alunan kinondena ang pagpatay sa bowling champ
MANILA, Philippines — Tahasang ipinunto ni dating DILG Sec. Rafael M. Alunan III na ang mga kriminal ngayon ay wala nang kinatatakutan dahil ang batas natin ay wala nang bangis o kabagsikan.
Partikular na tinukoy nito ang mga kaganapang krimen lalo na ang naging pamamaslang sa bowling coach na dating gold medalist noong 1992 World Youth Championship na si Angelo Nathaniel Constantino sa isang bowling center sa Greenhills, San Juan City nitong nagdaang Biyernes.
Ipinunto nito na ang batas sa kriminalidad at terorismo tulad ng Revised Penalty Code at ang Human Security Act ay dapat na mapalakas at pabigatin ang mga sentensiyang kaparusahan sa iba’t ibang mga krimen.
Sa crimes against humanity tulad ng murder, drugs, terrorism, plunder, ecological destruction at human trafficking ay kinakailangan aniya na muling ibalik ang bitay o ang death penalty.
- Latest