^

Police Metro

Panghuhuli sa ‘Angkas’ riders, nakaamba

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Panghuhuli sa �Angkas� riders, nakaamba
Bilang epekto, maaari na muling hulihin ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper ng Angkas na kumukuha ng pasahero.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Nakaamba ang panghuhuli sa “Angkas” ­riders nang baliktarin ng Korte Suprema ang naging desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court na nagpapahintulot sa operasyon ng ride-hailing application na Angkas at nag-isyu ng isang temporary restraining order (TRO) laban dito.

Bilang epekto, maaari na muling hulihin ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper ng Angkas na kumukuha ng pasahero.

Ibinaba ng SC ang resolusyon noong Disyembre 5 at kahapon lang ito naisapubliko.

Nauna nang ipinasara ng pamahalaan ang Angkas dahil maituturing umano silang kolorum dahil hindi umano pinapayagan sa batas ang mga motorsiklo bilang “public transport.”

Noong Setyembre nang panigan ng Mandaluyong RTC ang hiling ng Angkas na preliminary injunction laban sa shutdown.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang kanilang operasyon dahil dito.

Ayon naman sa LTFRB, magsasagawa sila ng board meeting para magbalangkas ng resolusyon kung paano ipatutupad ang TRO ng Korte Suprema at mahuli ang mga Angkas drivers.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with