^

Police Metro

15 Chinese inaresto ng NBI sa illegal online gambling

Doris Franche-Borja - Pang-masa
15 Chinese inaresto ng NBI sa illegal online gambling
Iprinisinta ng NBI sa media ang 15 Chinese national na naaresto sa illegal online gambling sa isinagawang raid sa Angeles City, Pampanga at Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Chinese nationals na pawang sangkot umano sa illegal online gambling sa isinagawang raid sa Punta Verde Subdivision, Pulong Catutod, Angeles City, Pampanga.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Yu Shize; Lin Hai Yang; Li Jun Qing; Yu Wen Quian; Xiao Wen Lao; Cai Shui Rong; Lin Jingming; Ju Shi Lin; Qui Zai Wei; Xiao Jian Ze na pawang naaresto sa Angeles, Pampanga; Pan Jianbei; Pan Taiyuan; Jie Lu; Shengbo Zhang; at Jian Lou Zhou na naaresto sa tatlong condominium units sa Maynila.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon hinggil sa illegal operation ng mga suspek kaya’ t sa bisa ng search warrant ay sinalakay ang lugar at inabutan ang mga dayuhan na kasaluku­yang nag-ooperate ng illegal online gambling.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa P.D.1602 o Anti-Illegal Gambling Act in relation to RS 10175 o Cybercrine Prevention Act.

vuukle comment

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with