^

Police Metro

Pinagbabaril habang natutulog... pamilya, 3 minasaker ng pulis

Joy Cantos - Pang-masa
Pinagbabaril habang natutulog... pamilya, 3 minasaker ng pulis

MANILA, Philippines — Kamatayan ang iginanti ng isang pulis sa tatlong mi­yembro ng isang pamil­ya na kanyang na­kagalit at nagsampa ng kaso laban sa kanya matapos niyang pasukin ang bahay ng mga ito at pagbabarilin habang natutulog kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pag-asa, Quezon City.

 

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan at ulo ang mag-asawang sina Romeo Ado Sr., 54; misis nitong si Christina Ado, 50 at anak nilang si Romeo Jr., Grade 6 student.

Sa pag-iimbestiga kinilala ang suspek na si PO3 Jerry Antonio na nakatalaga sa Caloocan City na tinutugis ngayon ng pulisya.

Batay sa salaysay ng testigo sa pulisya, bago nangyari ang pagmasaker dakong alas-12:30 ng madaling araw sa bahay ng pamilya sa  Madrigal Street, Sitio San Roque, Brgy. Pagasa, Quezon City ay dumating sa lugar ang suspek at hinahanap ang bahay ni Romeo, na itinuro naman ng kapitbahay.

Dito ay pinasok ng suspek ang bahay ng pamilya na sa mga oras na iyon ay mahimbing na natutulog at saka pinagbabaril.

Nakita ng mga kapitbahay na humahangos na lumabas ang pulis para tumakas na nakilala ng testigo dahil dati itong nakatira sa lugar.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nag-ugat ang krimen sa pagsasampa ng kasong grave threats kaugnay ng paglabag sa Republic Act 7610 ng mag-asawa laban sa nasabing parak matapos silang akusahang ginagamit na batakan ng droga ang kanilang tahanan may ilang buwan na ang nakalilipas.

Bago umalis sa lugar ang pulis ay nagbanta ang nasabing parak na babalikan ang  mag-asawa dahil sa wala itong matatanggap na bonus ngayong Kapaskuhan dahil sa nakasampang kasong administratibo at namemeligro rin na ma­dismis sa serbisyo.

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with