^

Police Metro

4 holdaper todas sa encounter

Cristina Timbang, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na holdaper na sakay ng kanilang mga motorsiklo ang napatay sa magkahiwalay na shootout sa Quezon City at Tanza, Cavite.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-9:00 ng gabi nang mapatay ang dalawang suspek sa isang engkuwentro sa West Riverside St., kanto ng San Jose St., Brgy. San Antonio.

Bago ito, ay hinoldap ng dalawang suspek ang biktimang si Marilyn Gonzales, 62, ng Malolos, Bulacan habang naghihintay ng masasakyan.

Nang matangay ang mahahalagang gamit ay tumakas ang mga suspek patungo sa area ng Muñoz na kung saan ay nakahingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrul­yang mga pulis at hinabol.

Sa halip na sumuko nang makorner ay nanlaban ang mga ito kaya’t napatay.

Ganito rin ang nangyari kahapon ng alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy. Bagtas Tanza, Cavite nang mapatay din ang hindi pa nakikila­lang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nabatid na nakatanggap ng ulat ang pulisya tungkol sa pagkarnap sa motor at panghoholdap ng dalawang suspek sa biktimang si Ronnie Villar, ng Brgy.36, Cavite City?

Inireport ng isang asset ng pulisya na namataan umano ang nasabing motor sa area Carissa Homes, Brgy.Bagtas, Tanza na sakay ang 2 lalaki na kapwa naka-short at kulay blue t-shirts.

Habang binabagtas ng mga pulis ang Phase 6 ng Carissa Homes ay namataan sa hindi kalayuan ang dalawang suspek na nakaparada ang motor sa gilid ng kalsada na tila may hinihintay.

Lumalapit pa lamang ang pulis ay sinalubong na sila nang sunod sunod na putok at agad na tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang dalawang suspek at nang masukol ay hindi ito nagpahuling ng buhay at nanlaban kaya’t napatay.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with