^

Police Metro

Coup plot tsismis lang-Lorenzana

Joy Cantos - Pang-masa
Coup plot tsismis lang-Lorenzana
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi umano dapat ito ikabahala ng Pangulo.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Tsismis lamang ang kumakalat na balita hinggil sa namumuong coup plot para patalisikin sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi umano dapat ito ikabahala ng Pangulo.

“Rumors lang naman eh,” pahayag ni Lorenzana na sinabing normal lamang na mabahala si Pangulong Duterte sa nasabing isyu.

Hinggil naman sa mapaghamong sinabi ni Pangulong Duterte sa militar na kung sino man ang nakikiisa kay Senador Trillanes IV na hindi kuntento sa kaniyang liderato ay maglunsad na ng mutiny.

“I think it’s a dare para bang kayong mga nag-iisip dyan, para bang (its like you who are thinking), but he’s very comfortable that he has the support of the military and the police. Dine-dare lang nya siguro (Maybe he’s just daring),” ani Lorenzana.

 Inihayag ng Kalihim na nasa likod ang Defense at AFP sa mga programa ni Pangulong Duterte at natutuwa sila sa pamamalakad nito sa bansa.

Muling  sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. na nanatili ang katapatan ng AFP sa Konstitusyon at sa taumbayan gayundin sa Chain of Command.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with