^

Police Metro

SK Kagawad, 1 pa tiklo sa Drug Ops

Ludy Bermudo - Pang-masa
SK Kagawad, 1 pa tiklo sa Drug Ops

MANILA, Philippines —  Sa kulungan ang bagsak ng isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) at ang kasama nitong 49-anyos na driver matapos silang masakote sa isang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Jerry Corpuz, hepe ng MPD-Station 7, dinakip ng kanyang mga tauhan mga suspek na sina Renato Garcia, 23, SK Kagawad at residente ng No.1065 Batangas St., at Danilo Filler, ng No.1097 F. Yuseco St., pawang taga-Tondo.

Dakong alas 6:25 ng gabi nang isagawa ang buy-bust ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD-Station 7 laban sa mga suspek sa naturang lugar kung saan nakabili ang poseur-buyer ng halagang P200.00 na shabu bago sila inaresto.

Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong plastic sachet ng shabu na may may timbang na .40 gramo at may street value na P600.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with