^

Police Metro

6 katao tiklo sa P.5 milyon ‘tsongke’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Arestado ng mga otoridad ang anim na katao kabilang ang isang menor-de-edad matapos na masabat mula sa kanila ang nasa halos P.5-milyong halaga ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng isang sinasabing drug den sa Brgy. San Bartolome sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling umaga.

Swak sa selda ang mga naarestong suspek ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na sina John Paul Sabillo, 22; Mariella Jane Dela Cruz, 19; Joseph Martinez, 36; Jessie Quintana, 20; pawang residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches; Higeki Fukami, 22, at isang 14-anyos na lalaki, na kapwa taga-Brgy. Gulod, Novaliches.

Batay sa ulat ni QCPD-Novaliches Police Station (PS 4) commander, P/Supt. Rossel Cejas, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation na ikinasa sa loob ng tahanan ni Sabillo sa Milar Compound, sa naturang barangay, na ginagamit umano bilang isang drug den.

Isang pulis ang nagpanggap ng buyer kung saan matapos na ma­kabili ng P4,000 halaga ng marijuana mula sa mga suspek ay agad na inaresto ang mga ito.

Limang brick at 15 sachets ng pinatuyong ‘damo’ na may timbang na apat na kilo at may estimated value na P464,000 ang nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with