^

Police Metro

Kamara niratipikahan na ang National Id system

Gemma Garcia - Pang-masa
Kamara niratipikahan na ang National Id system
Ang Philippine Identification Act ay makakatulong umano para maging seamless ang delivery ng serbisyo sa publiko, mas magiging maayos ang administrative governance, makakabawas sa katiwalian at Bureaucratic red tape, makakatulong para masawata ang mga ilegal na transaksyon at mapapabilis pa ang proseso ng transaksyon sa mga ahensiya o sangay ng gobyerno.
Philstar.com/Graphics by John Nicole Villamayor

MANILA, Philippines — Inaasahang agad na ipadadala sa Malacañang para mapirmahan upang maging ganap nang batas ang Identification System Act o mas kilala bilang National ID system matapos ratipikahan na ng Kamara.

Ang Philippine Identification Act ay makakatulong umano para maging seamless ang delivery ng serbisyo sa publiko, mas magiging maayos ang administrative governance, makakabawas sa katiwalian at Bureaucratic red tape, makakatulong para masawata ang mga ilegal na transaksyon at mapapabilis pa ang proseso ng transaksyon sa mga ahensiya o sangay ng gobyerno.

Sa sandaling maging ganap na batas, agad na tatrabahuhin ng gobyerno na palitan ng iisang national ID na lamang ang ibat ibang identification card na hawak ngayon ng mga Filipino.

Nakapaloob sa national ID ang buong pangalan, kasarian, blood types, petsa at lugar ng kapanganakan, status , address at litrato.

Gayundin ang mobile number, email address, biometric data tulad ng full set ng fingerprints at iris scan.

Sa Philsys registry, maitatala rin ang mga impormasyong ito para sa data base ng gobyerno.

Ang bawat mamamayan kasama pati ang mga dayuhan dito na naninirahan ay kailangang magpa rehistro ng personal sa accredited registration centers.

vuukle comment

IDENTIFICATION SYSTEM ACT

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with