^

Police Metro

Police major utas, 4 sugatan sa banggaan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang hepe ng pulisya habang apat pa ang nasugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang sasakyan sa kahabaan ng Cotabato-Davao highway, KM 110, Brgy. Amas, Kidapawan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing si Chief Inspector Raymund Sarmogenes, 54, Officer in Charge ng Antipas Municipal Police Station  (MPS) sa lalawigan ng Cotabato.

Ang mga nasugatan na dinala sa ospital ay kinilalang sina Joselito de Julian Aberde, 51, driver ng berdeng Mitsubishi jeep  (LMP-598); Maria Aberde, 48; Jenny Joy ­Aberde, 26; at Johnrey ­Aberde,18.

Batay sa ulat, bago naganap ang sakuna dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng nasabing highway ay minamaneho ni Sarmogenes  ang kulay asul na Toyota Avanza  (ZJP-509) sa bahagi ng nasabing highway  nang makabanggaan nito  ang sasakyan na minamaneho ni Joselito.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat partikular na sa ulo ang nasabing hepe na idineklarang dead-on-arrival sa  Cotabato Provincial Hospital.

Nabatid na pabalik na sa kanilang himpilan galing sa pagre-report sa Cotabato Police Provincial Office (PPO) nang mangyari ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with