^

Police Metro

Ama pinugutan ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinugutan ng ulo ng isang anak ang kanyang sariling ama na napikon sa kanilang pagtatalo na naganap kamakalawa sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Nonino Apolinario, 54, magsasaka at residente sa  nasabing bayan at nasa tabi nito ang pugot niyang ulo.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Peter Apolinario, 31, matapos ang krimen.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga sa bahay ng biktima sa Brgy. San Vicente ay nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-ama sa hindi pa malamang kadahilanan na kung saan ay napikon ang suspek at kumuha ng itak at dinaluhong nang sunud-sunod na taga ang ama.

Nang bumagsak ang biktima ay pinugutan pa ito ng ulo at bago tumakas ay tinawag pa nito ang bayaw at sinabing pinatay na niya ang kaniyang ama.

Malaki ang hinala ng pulisya na nasa impluwensiya ng bawal na droga ang suspek.

vuukle comment

AMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with