^

Police Metro

Hostage-taker utas sa pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng isang pulis ang isang lalaking desperado matapos na i-hostage ang isang 9-anyos na batang lalaki sa loob ng isang restaurant sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Ang napatay na hostage-taker ay nakilalang si Jonjon Roncales, tubong Samar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang hostage taking dakong alas-9:30 ng gabi ay kumakain ang 9-anyos na biktimang si Ralph Leonard Dy at ina sa isang fastfood restaurant sa Brgy. Balibago, Angeles City nang bigla na lamang sunggaban ng suspek na armado ng patalim ang bata at ginawang hostage.

Nagresponde ang mga operatiba ng Station 4 ng Angeles City Police sa pamumuno ni Sr. Inspector Dante Cabungcal, pero nabigo ang negosasyon na palayain ang bata matapos na magmatigas ang suspek.

Habang tinututukan ng patalim ng nakaupong suspek ang  nakatayong biktima na niyayapos nito at sinusugatan na sa mata ng binalikong tinidor na ginawang patalim ay kumilos si Cabungcal at  binaril ang suspek na  duguang bumagsak.

Kapwa isinugod sa pagamutan ang suspek na idineklarang dead-on-arrival sa tinamong tama ng bala sa balikat at ang batang biktima na nagtamo naman ng bahagyang sugat sa mata.

vuukle comment

ANG

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

BATAY

BRGY

CABUNGCAL

HABANG

JONJON RONCALES

KAPWA

RALPH LEONARD DY

SR. INSPECTOR DANTE CABUNGCAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with