^

Police Metro

Tattoo artist itinumba ng pulis

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang tattoo artist na nagmomotorsiklo matapos itong sitahin at pagbabarilin ng isang pulis kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Mark Hernandez  ng #163 Saint Claire St., Barangay 178, Maricaban sa nasabing lungsod.

Nasa custody naman ng Pasay City PNP ang suspek na si PO3 Harley Cervantes na nagti-training ng Junior Leadership Course sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at dating nakatalaga sa SWAT Team ng Pasay City PNP.

Base sa police report, naganap sa harapan ng bahay sa #13 Saint Theresa St., Barangay 179, Maricaban nang sitahin ng suspek ang biktimang  lulan ng motorsiklo dahil wala itong plaka at may dala itong baril.

Gayon pa man, nagalit si Hernandez kung saan tinangkang putukan si PO3 Cervantes subalit i­nuhan siyang pagbabarilin.

Itinanggi naman ng kampo ng biktima ang version ni PO3 Cervantes kung saan walang kalaban-labang pagbabarilin ni PO3 Cervantes.

Sumuko naman si PO3 Cervantes sa himpilan ng pulisya at nakatakdang kasuhan.

Narekober  sa crime scene  ang isang homemade cal. 22 pistol, isang gun replica, 2 basyo ng cal. 9mm pistol, at isang pakete ng valium (10 mg.).

vuukle comment

ACIRC

CAMP BAGONG DIWA

HARLEY CERVANTES

JUNIOR LEADERSHIP COURSE

MARICABAN

MARK HERNANDEZ

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASAY CITY

SAINT CLAIRE ST.

SAINT THERESA ST.

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with