^

Police Metro

Stude binoga ng PSG

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sugatan ang 28-anyos na criminology student matapos itong barilin ng senglot  na miyembro ng Presidential Security Group habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Ospital ng Sampaloc dahil sa balang tinamo sa tiyan ng biktimang si Sajid Sadilawan ng Unit A-3 2551 Macaraeg Building sa Legarda Street sa nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Michael Zinggapan na tumakas lulan ng motorsiklo matapos ang krimen. Ayon kay SPO2 Oliver Balingit ng Manila Police District-Station 4, naganap ang pamamaril dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng Jhocson at Lardizabal Street. Nabatid na nakikipagkuwentuhan ang biktima sa isang kaibigan nang dumating at sitahin ng suspek na sinasabing lango sa alak sa hindi nabatid na dahilan.

Matapos komprontahin ang biktima ay binaril ito sa tiyan saka tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa pamunuan ng PSG upang matunton ang suspek.

vuukle comment

ANG

AYON

LARDIZABAL STREET

LEGARDA STREET

MACARAEG BUILDING

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MICHAEL ZINGGAPAN

OLIVER BALINGIT

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SAJID SADILAWAN

UNIT A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with