^

Police Metro

FB user nag-post na sangkot sa tanim-bala ang isang taxi driver ipinapaaresto

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinaaaresto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang  Facebook user na si Juluis Niel Habana matapos akusahan ang isang taxi driver na sangkot sa tanim-bala incident sa NAIA.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, LTFRB board member na ilang beses na nilang sinubpoena si Habana para sagutin ang ilang mga katanungan kaugnay ng  kanyang FB post na isang taxi driver ay sangkot sa tanim-bala.

Tinungo na ng mga tauhan ng ahensiya ang Barangay  703, Zone 77, District V, Malate, Manila na sakop ng tirahan ni Habana, subalit walang nakitang blotter records dito kaugnay ng insidente.

Pinawalang sala naman ng LTFRB ang taxi driver na si Ricky Milagrosa sa bintang ni Habana dahil sa kawalan ng ebidensiya na nagpapatotoo sa FB post ng huli.

Magugunita sa FB post ni Havana ay sinabi nitong si Milagrosa ay sangkot sa tanim-bala dahil nilagyan umano nito ng bala ang maleta ng pinsan nitong OFW na maga-abroad.

vuukle comment

ANG

ARIEL INTON

DISTRICT V

FACEBOOK

HABANA

IPINAAARESTO

JULUIS NIEL HABANA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAGUGUNITA

MILAGROSA

RICKY MILAGROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with