^

Police Metro

3 katao dinedo sa droga

Doris Borja, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang pinagbabaril at napatay na may kaugnayan sa droga sa magkahiwalay na pangyayari sa Sampaloc, Maynila at Zamboanga City.

Namatay noon din si Daniel Fortales, 30, ng Sampaloc, Maynila dahil sa tatlong tama ng bala sa mukha.

Bago ito ay  dumating ang tatlong lalaki at pinasok sa bahay ng biktima dakong alas-9:30 ng  gabi at  ilang minuto ay lumabas ang mga ito  na pinipilit na  isakay ang  huli sa  kanilang  sasakyan hanggang  sa paputukan ito.

Pagkatapos ay tumakas ang mga suspek sakay ng  isang  puting Toyota Fortuner (AIA-4576).

Nakakuha naman ng  isang sachet ng  shabu at paraphernalia  at dalawang basyo ng 9mm baril ang mga pulis sa bahay ng biktima.

Natagpuang patay rin ang isang hindi pa kilalang babae at lalaki matapos na pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Zone 3-B, Brgy. Cawit, Zamboanga City.

Nabatid na hinihintay ng dalawang biktima ang isang alyas Kuya Bata sa lugar nang biglang sumulpot ang isang salarin at pinagbabaril ang mga ito.

May hinala ang pulisya na onsehan sa droga ang motibo ng krimen dahil sa talamak na bentahan ng bawal na gamot ang nasabing lugar.

vuukle comment

ANG

BRGY

CAWIT

DANIEL FORTALES

KUYA BATA

MAYNILA

NABATID

NAKAKUHA

NBSP

TOYOTA FORTUNER

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with