^

Police Metro

‘Pokpok’ tumangging makipag-sex, sinaksak ng kustomer

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Agaw buhay sa paga­mutan ang isang dalaga na umano ay nagbeben­ta ng panandaliang aliw nang saksakin ng kanyang kustomer na nagbayad, subalit ayaw naman makipagtalik naganap kamakalawa ng gabi sa isang motel sa Pasay City.

Ang biktima ay kini­lalang si Angeline Faustino, 24, ng Mapagkalinga St., na nagtamo ng dalawang saksak ng gunting sa tiyan.

Ang suspek na agad naaresto ay itinago sa pa­ngalang Tonton, 27, pharmacist, binata, ng Santa Ana, Maynila.

Batay sa imbestigas­yon, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng Room 103 ng Rotonda Hotel, EDSA Avenue ng natu­rang lungsod ay inalok ng biktima ang suspek ng sex sa halagang P1,000.

Pumayag ang suspek at nagkasundo na mag-check-in sa naturang motel at nagbigay agad ng bayad ang una.

Matapos makuha ng biktima ang bayad at mag-se-sex na ay ayaw ng pumayag ng babae, dahilan upang magalit ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito ay nakuha pa ng biktima na sapakin ang biktima na kanyang niloko kaya’t bilang ganti ay kinuha ng suspek ang nakatagong gunting sa bag at sinaksak ng dalawang beses sa tiyan ang una.

Humingi ng tulong ang biktima na agad pinunta­han ng roomboy at sekyu at naaresto ang papatakas na suspek habang ang una ay dinala sa ospital.

vuukle comment

ACIRC

AGAW

ANG

ANGELINE FAUSTINO

BATAY

BIKTIMA

MAPAGKALINGA ST.

PASAY CITY

ROTONDA HOTEL

SANTA ANA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with