^

Police Metro

Reklamo sa NBI vs AlphaNetworld, dumarami

Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy na dumarami ang mga nagrereklamo kay National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud Division chief Atty. Dante Jacinto laban sa AlphaNetworld Corporation na ginagamit ang social media na Facebook para makakolekta ng pera kahit walang produkto.

Muling nagbabala si Jacinto sa mga biktima ng pyramiding scam ng AlphaNetworld na personal na magreklamo sa NBI matapos hindi sumipot ang opisyales ng kompanya na sina Julius Allan Nolasco, Josarah L. Nolasco at Arthur Macogay Jr. sa mga subpoena ng kawanihan.

Huling nagreklamo sa NBI sina Maria Criselda Estabillo Fernandez at Restie Q. Sanchez, kapwa ng Angeles City, Pampanga; Estrellita Lavarias ng San Miguel, Maynila; Manny Largo ng Mabalacat, Pampanga; Nenita Fernandez ng Lingayen; at Emmanuel Samera ng San Carlos City, kapwa sa Pangasinan.

Naunang nagreklamo sa NBI si Emmanuel Estrella na nilinaw na bawat pioneering share ng AlphaNetworld ay may halagang P12,800 at naengganyo siya dahil may alok na health products. Ngunit walang ibinigay na produkto sa kanya ang kompanya at hindi na niya mabawi ang kanyang pera dahil pinalagda siya sa waiver at quitclaim.

Nagreklamo rin si Jane Disierto na nagsabing pinagtawanan lamang nina Nolasco at Macogay ang NBI sa katwirang legal ang kanilang negosyo sa FB kahit walang produkto.

Ginagamit ni Nolasco at ng iba pa niyang ka­sabwat ang kanilang FB accounts upang makaengganyo ng mga mare-recruit sa pyramiding scam na pinagpapasok ng pera sa kanilang bank accounts kapalit ng pangakong doble-dobleng tubo.

vuukle comment

ANG

ANGELES CITY

ANTI-FRAUD DIVISION

ARTHUR MACOGAY JR.

DANTE JACINTO

EMMANUEL ESTRELLA

EMMANUEL SAMERA

ESTRELLITA LAVARIAS

JANE DISIERTO

JOSARAH L

NOLASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with