^

Police Metro

Habang katabi ang ina... 4-anyos dinukot sa fastfood

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Katabi mismo ng isang ina ang  kanyang 4-anyos na anak na babae nang puwersahang tangayin ito ng limang armadong lalaki na sakay ng SUV sa tapat na pinagkainang fastfood chain kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si  Geniuie De Leon, ng Sta. Monica Sub-Olongapo City.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Katrine De Leon, bago tangayin ang kanyang anak dakong alas-8:45 ng gabi ng limang suspek ay katatapos lang nilang kumain sa hamburger chain store sa Bustillos St., Sampaloc, Maynila.

Nasa labas sila ng pintuan ng tindahan nang huminto sa kanilang tapat ang sasakyan ng mga salarin na isang kulay maroon na Toyota Revo (WBY 401).

Bumaba ang mga suspek at tinutukan ng baril ang ina saka binuhat ang anak at isinakay sa naturang SUV at mabilis na sumibat.

Hindi pa kumokontak ang mga suspek sa pamilya kaya’t hindi pa alam kung ano ang motibo sa pagdukot.

 

vuukle comment

ANAK

ANG

BUMABA

BUSTILLOS ST.

GENIUIE DE LEON

INA

KATABI

KATRINE DE LEON

MAYNILA

MONICA SUB-OLONGAPO CITY

TOYOTA REVO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with