^

Police Metro

Kelot tigok sa pang-aagaw ng baril sa pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakila­lang lalaki ang nasawi nang ito ay barilin sa mukha ng isang pulis na inagawan umano niya ng baril habang sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na nagtamo ng isang bala sa mukha ay inilarawan sa  edad na 35- 40; 5’9” ang taas; may tattoo na ‘Bahala na Gang’; berde ang tsinelas, gray ang t-shirt na nakapatong sa dalawa pang t-shirt na suot nito at may bitbit na kalibre 9 mm pistola.

Sumuko naman ang pulis na si PO1 Jayson Cervantez, 31, nakatalaga sa QCPD-Station 1 at residente ng no.  250 CM Recto Avenue, Binondo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga sa El Chacon St ., tapat ng  Sto. Nino Church ay nagmamaneho si PO1 Cervantez ng kanyang Yamaha Mio, nakasuot ng uniporme at nakasukbit ang baril dahil galing umano siya sa hearing nang pagsapit sa nasabing lugar ay nilapitan ng nasabing suspek at dinikitan.

Nagulat ito ng biglang agawin ang nakasukbit niyang baril kaya’t nagpambuno kaya hindi nakuha ang baril.

Papalayo na siya nang sigawan ng isang PO1 John Michael Soriano, 24, at saksi sa komosyon na ‘Pare paputukan mo na dahil nakita umano nito na bumubunot ng kargadang baril ang lalaking nais umagaw ng kaniyang baril.

Kaya’t agad nitong binunot ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAHALA

BARIL

BATAY

EL CHACON ST

JAYSON CERVANTEZ

JOHN MICHAEL SORIANO

NINO CHURCH

RECTO AVENUE

YAMAHA MIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with