^

Police Metro

2 niratrat sa waiting shed, patay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magkasunod na napatay ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan habang nakatayo sa waiting shed sa Barangay Malagasang 1-D, Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima na nakasandong itim, white short pants at may tattoo na bungo sa kanang braso at kaliwang kamay.

Samantala, ang ikalawang biktima naman ay naka-puting tribal t-shirt at marron tribal na short pants, gray na cap at may tattoo rin ito sa dibdib.

Ayon kay PO2 Jeremiah Baniasia, nakatayo ang dalawa sa waiting shed na animoy’ may hinihintay nang lapitan at pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki bandang alas-2 ng mada­ling araw.

Ayon sa ulat, hindi nakatira sa nabanggit na barangay ang dalawa dahil walang nakakilalang mga residente.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

IMUS CITY

JEREMIAH BANIASIA

KASALUKUYANG

MAGKASUNOD

NAREKOBER

SAMANTALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with